NAGA CITY- Arestado ang isang 17-anyos na binatilyo matapos gahasain ang isang 14-anyos na dalagita sa Candelaria, Quezon.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga mula sa Quezon Police Provincial Office, nabatid na natutulog ang 14-anyos sa kanilang bahay nang bigla itong pinasok ng 17-anyos na brother-in-law.

Nabatid na maraming beses nang pinagsamantalahan ng suspek ang biktima na kasama lamang nito sa iisang bahay.

Kaugnay nito, sinamahan ng tiyuhin ang biktima para humingi ng tulong sa kapulisan na agad namang rumesponde.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga otoridad ang suspek habang hinahanda na ang kasong isasampa laban dito.
Top