Patay ang nasa 14 katao habang nasa Hajj pilgrimage sa Mecca dahil sa sobrang init ng panahon.
Pawang mga Jordanian citizen ang mga nasawi kung saan nagtungo sila sa Mount Arafat para sa main event ng pilgrimage bilang pakikiisa sa pagsisimula ng pagdiriwang nang Eid al-Adha para sa mga Muslims sa buong mundo.
Nakipag-ugnayan na ang Jordanian foreign ministry sa mga otoridad ng Saudi upang mailibing ang mga nasawi sa Saudi Arabia o ililipat sa Jordan.
Una ng nagbabala ang mga otoridad sa Saudi na maaring pumalo ng 48 degrees Celsius ang temperatura sa lugar.
Samantala, una na ring isinaysay ng Saudi General Authority for Statistics na aabot sa mahigit 1.8 milyong katao ang inaasahang dadalo sa Hajj ngayong taon.