NAGA CITY – Patay ang isang 14 taong gulang na lalaki matapos na ma-hit and run sa bayan ng Libamanan, Camarines Sur.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Police Senior Master Sergeant Juan Batolina, spokesperson ng Libmanan Municipal Police Station, sinabi nito na nangyari an insidnte sa barangay Sibujo sa nasabing bayan.
Ayon sa paunang imbestigasyon, may mga bata umanong naglalaro sa may waiting shed sa gilid ng nasabing highway at nagbibiruan ang mga ito kasama na ang biktima na mahiga sa kalsada, hanggang sa may biglang nag swave na isang heavy equipment na truck at tuluyan itong nakabangga sa biktima na nagresulta sa kaniyang agarang pagkamatay.
Agad naman tumakas ang driver ng truck matapos ang nangyaring insidente.
Sa kasalukuyan ay mayroon nang lead o posibleng suspek ang mga imbestigador sa tulong na rin ng mga CCTV cameras na naka-conect sa barangay.
Samantala, isa rin ang naputula ng paa matapos ma-hit and run sa Barangay Isidro along Maharlika Highway, sa nasabing bayan.
Kinilala naman ang biktima na si Mark Joseph Hernandez, 38 taong gulang at isang pahinante.
Sa imbestigasyon ng mga otoridad, inaayos umano ng biktima ang gulong ng kaniyang sasakyan, ng mahagip ito ng isang 10 wheler truck na pinagmamaneho naman ni Jayvee Canlas.
Agad naman dinala ang biktima sa ospital at dito na ito tuluyang pinutulan ng paa, habang agad ring tumakas si Canlas.
Sa isinagawang hot pursuit operation ng mga otoridad, na-flag down ng Naga City Police Office si Canlas sa tapat ng isang mall sa lungsod ng Naga.
Sa ngayon paalala na lamang ng opisyal na mag doble ingat lalo na sa may Maharlika highway dahil kulang umano ang binibigay na liwanag ng solar light, kaya madilim sa nasabing kalsada.