NAGA CITY- Tinatayang aabot sa 150 cargo trucks ang na-stranded sa probinsya ng Camarines Sur matapos ang pansamantlang ikansela ang mga byahe patungong Visayas at Mindanao dahil sa bagyong Bising.
Una rito, isinailalim sa Rapid Antigen Swab testing ng Incident Management Team (IMT) ang mga driver ng nasabing mga Cargo trucks pati narin ang mga kasamahan nito.
Dito na napag-alaman na positibo sa Covid-19 ang tatlo sa nasabing mga indibidwal kung saan aabot sa 13 katao na ang naiulat na nagkaroon ng close contact dito.
Kaugnay nito, dahil sa pangambang posibleng makahawa pa ito sa mga residente na malapit sa boarder ng bayan ng Bato Camarines Sur ay agad na ipinag-utos ni Governor Migz Villafuerte ang pagpapabalik sa nasabing mga cargo trucks.
Sa ngayon, kasalukuyan namang isinailalim sa isolation sa Provincial LGU-quarantine Facility ang tatlong nagpositibo sa nakamamatay na sakit gayundin ang mga naging close contact ng mga ito.
Samantala, inabisohan narin umano ang mga companya kung saan nag tatrabaho ang nasabing mga indibidwal para sa karampatang hakbang.