NAGA CITY- Tinayatang aabot sa 150 mga estudyante ng University of Nueva Caceres sa Naga City ang tinutulungan ngayon ng paaralan na hindi na
nagawang maka uwi sa kani-kanilang mga lugar dahil sa ipinatupad na Enhance Communitty Quarantine.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Dean Kenjie Gemenia ng nasabing paaralan sinabi nito na bukod sa 80 kataong nakatanggap ng relief goods na nanganga ilangan ng supporta dahil hindi na nito nagawanng makauwi sa kanilang lugar, ang iba naman ay tinulungan rin ng paaralan na makasabay sa programang libreng sakay ng LGU-Naga upang ihatid sa kani-kanilang lugar sa loob ng probinsya ng Camarines sur.
Ayon kay Gemenia, ang nasabing programa tinatawag ngayong “Oplan sagip stranded UNCeans” kung saan ang mga guro at iba pang mga estudyante at magulang ay nag tulong-tulong para sa ipapamigay na pagkain at tulong sa mga nasabing estudyante.
Ngunit matapos na mai-post sa kanilang social media ang nasabing programa dumagsa pa umano ang mga nagpaabot rin ng kani-kanilang setwasyon kung saan ayon kay Gemenia, sa ngayon dagsa pa ang mga nagpapalistang mga estudyante na nananatili sa lugar.
Sa ngayon, pinaalalahanan naman ni Gemenia, ang kanilang mga estudyante na manatili nalamang sa kanilang tinutuluyan upang makaiwas sa sakit na Coronavirus desease.