NAGA CITY – Patay na nang matagpuan ang isang 16-anyos na dalagita sa barangay Ibabang Bukal, Tayabas City, Quezon.
Sa impormasyong nakalap ng Bombo Radyo Naga mula sa PNP-Tayabas napag-alaman na nakita ang biktima sa masukal na parte ng nasabing
barangay ng isang Chief Tanod.
Wala na umanong saplot pang-ibaba ang nasabing biktima at may tama ng saksak sa kaliwang bahagi ng leeg nito at maraming pasa na hinihinalang
pinag-samantalahan ng hindi pa nakikilalang suspek.
Una rito, na-ireport ang biktima na nawawala noong Enero 7, 2020 ng kayang pamilya.
Napag-alaman din na may kapansanan sa pag-iisip ang nasabing biktima ayon sa mga magulang nito.
Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad upang mahuli ang salarin.