NAGA CITY- Umabot na sa Labing anim ang naitalang casualties sa Naga City matapos ang pananalasa ng Bagyong Kristine.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Police Staff Sergeant Roberto Aguillon, Assistant Public Information Officer kan NCPO, sinabi nito na halos drowning incident ang dahilan ng kamatayan ng mga nasabing biktima.
Ayon pa sa opisyal, kabilang na sa nasabing bilang ang isang senior citizen sa may bahagi ng Mabolo, Naga City na patay na ng matagpuan ng kanyang kapamilya.
Batay sa report, hindi sumama ang nasabing biktima sa evacaution center at nanatili sa kanilang bahay at ng balikan ng kanyang kapamilya dito na nakita ang wala ng buhay na katawan nito.
Maliban dito, patuloy pa umanong pinaghahanap ang isa pang indibidwal gayundin patuloy na hinihintay pa kung sakaling mayroong report para sa mga missing persons.
Sa kabilang banda, bumalik naman ang daloy ng trapiko sa Almeda Highway at Diversion Road dahil nabawasan na ang trapiko at na-stranded na malalaking sasakyan.
Sa ngayon, tiniyak ni Aguillon na suportado ng buong lungsod ng Naga ang Naga City Police Office para sa agarang pagbangon nito sa matinding epekto ng Bagyong Kristine.