NAGA CITY – Nasa 161 solo parents ang nakinabang sa pay out ng solo parent monthly subsidy sa Pili, Camarines Sur.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Pili Mayor Tom Bongalonta Jr., sinabi nito na hindi nagpapabaya ang munisipyo at patuloy na nagbibigay ng tulong sa nasabing solo parents lalo na sa mga may mga anak na estudyante.
Ayon kay Bongalonta, ramdam ng kanilang panig kung gaano kahirap palakihin ang kanilang mga anak na walang kasama sa buhay.
Kaya naman, bukod sa monthly subsidy, nagbibigay din ang LGU ng iba’t ibang livelihood programs para sa mga solo parent para mas matulungan sila at mabigyan sila ng pagkakakitaan.
Bukod dito, may mga pondong kukunin sa kanilang mga programa upang mapunan ang pangangailangan ng iba’t ibang sektor sa kanilang bayan.
Sa ngayon, tiniyak ng alkalde na patuloy na magsisikap ang kanilang panig upang maibigay ang lahat ng pangangailangan ng kanilang mga residente sa abot ng kanilang makakaya.