NAGA CITY- Aabot sa 18 pinaniniwalaang mga illegal miner ang naaresto matapos ang isinagawang operasyon sa Barangay Dumagmang, Labo, Camarines Norte.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Norte Police Provincial Officer (CNPPO), nabatid na nadakip sa aktong nagsasagwa ng iligal na pagmimina sa nasabing lugar ang mga suspek.
Una ng kinilala ang mga suspek na sina Jesus Labayo, Edwin Labayo, Ricardo Villanueva, Michael Garcia, Enrico Moarales, Ariel Jamito pawang residente ng Barangay Exciban, Labo, Camarines Norte.
Samantala, sa kaparehong araw naaresto naman ang walo pang indibidwal na kinilalang sina Lucky Justin Klied, Rodel Peralta, Bryan Cervantes, Joel Mendoza, Christian Talaguit, Elmer Puyos, Michael Juacalla, at Audie Padua, pawang residente ng nasabing lugar.
Sa kabilang dako, apat pang mga katao ang naaresto kung saan kinilala naman na sina Romualdo Alsera, Sherwin Lo, Joseph Mendoza at Nelson Garfin.
Habang narekober naman ang mga kagamitan sa pagmimina.
Sa ngayon, nahaharap sa patong-patong na kaso ang nasabing mga persona para sa karampatang disposisyon.