NAGA CITY- Patuloy ang isinasagawang pag evaluate ng Department of Education sa mga pinsalang dala ng nangayeng lindol sa probinsya ng Masbate.
Sa isinagawang Virtual Press Conference ng DEPED-Bicol napag alaman na halos 19 paaralan sa anim na municipality sa probinsya ng Masbate sa ngayon ang nagtamo ng major at minor damages dahil sa magnitude 6.6 na lindol.
Ayon kay Regional Director Gilbert Sadsad, wala pang hawak ang ahensya na estimated cost sa pinsalang dulot nito dahil patuloy pa ang pag evaluate sa mga paaralan dito.
Nabatid na dahil sa Covid-19 hindi nagawang makapunta ni Sadsad sa nasabing lugar upang bumisita dahil kailangan parin umano nitong sumunod sa mandatory quarantine.
Sa ngayon umaasa nalamang umano ang ahensya sa online report mula sa schools superintendent ng probinsya.