NAGA CITY- Umabot sa halos 2.7 tonelada ang nakumpiskang mga processed foods at karne ng Veterinary Office sa ginawang inspeksyon sa Naga City.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Dr. Junius Elad, City Veterinarian ng lungsod ng Naga, sinabi nito na sa tulong ng Bureau of Quarantine, lokal na pamahalaan at National Meat Inspection Service, nakumpiska nila ang humugit kumulang sa 2.7 tonelada ng mga karne at processed foods sa Bicol Central Station.
Ang naturang mga produkto ang mula sa Quezon City at nakatakda sanang ideliver sa lungsod ng Legazpi.
Ayon kay Elad, regular na ang kanilang magiging inspeksyon hanggang sa hindi pa nawawala ang isyu ng African Swine Fever sa bansa.
Samantala, tiniyak naman ni Elald na walang makakapasok na sakit sa naturang rehiyon.
Samantala, ngayong araw naman nakatakdang ipagpatuloy ng grupo ang paglilibot katuwang ang iba pang ahensya ng pamahalaan gaya ng Department of Agriculture, Livestock Division, Quarantine Office, Veternary Office at iba pa.