NAGA CITY- Nananatiling not passable ang Maharlika Highway Sitio Cabungahan, Brgy. Cabatuhan, Labo Camarines Norte, matapos maitala ang pagguho ng lupa noong Disyembre 11, 2024 dahil sa pag-ulan dulot ng shearline.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Police Lieutenant Augusto Manila, Chief of Police ng Labo Municipal Police Station, sinabi nito na ang naturang kalsada ay adjacent sa gumuhong lupa kung saan mayroong dalawang kabahayan ang naapektuhan.

Sa kabila nito, wala naman naitalang casualties sa nasabing insidente dahil bago pa man tuluyang gumuho ang lupa, kasama ang dalawang bahay ay nakalabas na ang mga taong naninirahan sa lugar.

Dagdag pa ng opisyal na agad isinarado ang kalsada dahil nananatili itong delikado para sa mga motorista at sa mga residentes na naroon.

Kaugnay nito, inabisuhan rin ang publiko na gamiton ang mga alternatibong ruta; gaya ng Bagong Silang – Capalonga Road and Capalonga – Sta Elena Bypass Coastal Road at Bagong Silang To Capalonga Proper to Brgy. Bulala Sta. Elena.

Maaalala, naitala ang pagbaha sa ilang lugar sa lalawigan ng Camarines Norte dahil na Rin sa sunod-sunod na pag-ulan na dala ng Ng shearline.

Sa ngayon ay patuloy na hinihimok ng opisyal ang publiko na sundin ang payo ng mga awtoridad upang maiwasan ang anumang na untoward incident.