NAGA CITY – Tinupok ng sunog ang dalawanag residensiya sa magkahiwalay na sunog sa bayan ng San Jose, Camarines Sur.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay SFO1 Rodel Borosan, ang Chief Operation ng Bureau of Fire Protection- San Jose, sinabi nito na una nilang nirespondehan ang nasunog na bahay sa Barangay Pugay bandang alas-6:30 ng gabi kagabi.

Samantala, bandang alas-9:30 naman ng kaparehong araw ng masunog naman ang isa pang bahay sa bahagi ng Barangay Tambangan sa nasabing bayan.

Ayon kay Borosan, parehong napabayaan na kandila ang dahilan ng pagkasunog ng nasabing mga bahay.

Kaugnay nito, umabot naman sa P50,000 ang kabuoang pinsala sa Barangay Pugay habang umabot naman sa P8,000 ang kabuoang pinasala na iniwan ng sunog sa Barangay Tambangan na gawa umano sa mga light materials.

Samantala, wala namang naitalang casualties o nasugatan sa nasabing insidente.

Sa ngayon, paalala na lamang ni Borosan sa publiko na bantayan ang mga kagamitan sa bahay tulad ng mga kandila, electrical appliances na maaaring pagmulan ng sunog lalo na ngayon na paparating na ang holiday season.