NAGA CITY- Sugatan ang dalawang katao matapos na magkasalpukan ang isang tricycle at Pick-up truck sa Brgy. Lalo, Tayabas City.

Kinilala ang mga biktima na isang 16-anyos na lalaki at si Jommel Ricamata, 30-anyos, kapwa residente ng naturang lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang papunta sa Tayabas City Proper ang menor de edad gamit ang minamanehong tricycle sakay si Ricamata, nang masalpukan ang minamaneho nitong tricycle ng isang pick-up truck na minamaneho ng suspek na si Dante Babista, 55-anyos, na mula sa kabilang direksyon.

Dahil sa lakas ng impact, umikot ang tricycle na naging dahilan upang magtamo ng sugat sa kanilang mga katawan ang mga biktima habang hindi naman nasugatan ang driver ng pick-up.

Agad namang dinala sa ospital ang mga biktima para sa asistensiya medikal.

Sa ngayon, pinag-aaralan pa kung makikipag-ayos nalang ang magkabilang panig matapos an naturang insidente.