NAGA CITY- Patay ang dalawang hindi pa nakikilalang indibidwal matapos na pagbabarilin habang nakatali an kanilang mga kamay Brgy. Pulo, San Antonio, Quezon.

Napag alaman na ang nasabing mga biktima tinatayang nasa 45 hanggang 50 anyos at 34 hanggang 37 anyos.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na pinagbabaril na lang ng mga hindi pa nakikilalang mga suspek ang mga biktima sa nasabing lugar.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, napag-alaman na nagtamo ng mga tama ng baril ang mga biktima sa ibat-ibang bahagi ng kanilang katawan.

Dahil dito, agad naman na dinala sa ospital ang mga biktima ngunit idineklara ring dead on arrival ng mga doktor.

Samantala, pinaniniwalaan naman ng mga otoridad na kinidnap ang mga biktima at dinala sa nasabing lugar kung saan dito na ito pinagbabaril.

Sa kabila nito, narekober pa sa pinangyarihan ng krimen ang apat na piraso ng cartridges ng 5.56 mm na baril.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad para sa posibleng pagkakakilanlan ng mga suspek.