NAGA CITY- Patay ang dalawang hindi pa nakilalang indibidwal matapos na pagbabarilin sa Lucena City.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office (QPPO), napag-alaman na nakatanggap na lang ng impormasyon ang Lucena City Police Station higgil sa nasabing insidente na agad naman na nirespondehan ng mga awtoridad.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na nakita na lang sa pinangyarihan ng krimen ang katawan ng mga biktima na wala ng buhay habang sakay pa sa kanilang tricycle.

Dahil sa insidente, napag-alaman na dahil sa inisdente, nagtamo ng mga sugat sa ibat-ibang bahagi ng kanilang katawan ang mga biktima dahilan ng agad nitong kamatayan.

Samantala, narekober pa sa pinangyarihan ng insidente ang pitong FCC ng cal. 45 na baril.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa nasabing insidente.