NAGA CITY- Balik-kulungan ngayon ang dalawa sa tatlong nahuling persona sa isinagawang drug buy-bust operation ng Naga City Police Office sa Brgy. Sabang, Naga City.

Kinilala ang mga ito na sila Henry Morano at Enrico Bruma na kakalabas lang umano sa kulungan ng nakaraang buwan dahil sa parehong kaso at ang isang nagngangalang Peter John Marcial.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Naga kay PSMSgt. Tobias Bongon, kinumpirma nito na 10 sachet aniya ng pinaniniwalang shabu ang narekober sa suspek na sa ngayon isasailalim sa eksaminasyon.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng PNP Station 1 ang mga suspek na mahaharap sa kasong RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.