NAGA CITY- Patay ang dalawang katao habang sugatan naman ang isa pa sa karambola ng tatlong sasakyan sa Pamplona, Camarines Sur.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga ki PCPT. Monica San Juan, Chief of Police ng Pamplona MPS, sinabi nito na tatlong sasakyan ang sangkot sa nasabing insidente, isang van, mini truck at pampasaherong jeep.

Sa paunang imbestigasyon ng nabanggit na himpilan, lumalabas na sumabog umano ang gulong ng mini truck na dahilan upang kainin nito ang linya na kinaroonan naman ng van.

Dahil sa pangyayari, nagkasalpukan ang van at truck at nasagi pa ang isang pampasaherong jeep.

Advertisement

Kaugnay nito, nagtamo ng malalang sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan ang driver ng truck at pahinante nito habang minor injury naman ang tinamo ng driver ng van.

Kaagad na dinala sa pagamutan ang driver ng truck at pahinante nito ngunit sa kasamaang palad ang binawian ng buhay habang ginagamot.

Samantala, dahil sa pangyayari nagpa-alala naman ang Pamplona MPS sa mga motorista na magdoble ingat sa kanilang pagmamaneho upang maiwasang ang kahalintulad na pangyayari.

Sa ngayon, patuloy ang ginagawang monitoring at pagbabantay ng nasabing hepatura sa kanilang bayan lalo na ang pagbibigay ng asistensiya sa publiko upang magin ligtas ang kanilang paglalakbay.

Advertisement