NAGA CITY- Patay ang dalawa katao matapos ang nangyaring salpukan ng isang behikulo at motorsiklo sa Zone-2 Barangay San Agustin, Pili, Camarines Sur.

Kinilala ang mga biktima na sina Rindyl Decena, 45-anyos at Wilfredo Castro Jr., 31-anyos, kapwa residente ng Zone 6, Salvacion, Iriga City.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO), nabatid na habang binabaybay ng suspek na kinilalang si Ryan Aparici ang kahabaan ng Northbound papuntang Naga City nang mag-overtake ito sa isa pang sasakyan.

Dahil dito, nasalpukan nito ang motorsiklo na minamaneho ni Castro habang angkas si Decena.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, nabatid na dahil sa insidente, nagtamo ng mga sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang katawan na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa nasabing insidente.