NAGA CITY- Patay ang dalawa katao matapos maaksidente ang isang motorsiklo sa P-1, Barangay road of Brgy, Cabusay, Labo, Camarines Norte.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Norte Police Provincial Office (CNPPO), nabatid na habang binabaybay ng motorsiklong minamanho ni Aljean Balon ang kalsada sa naturang lugar nang mahagip nito ang biktimang si Delia Necio, 65-anyos na tumatawid sa kalsada.

Kaugnay nito, nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang motorista at ang biktima na agabd namang isinugod sa ospital ngunit idineklara nang dead on arrival ng mga doktor.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad sa naturang insidente.