NAGA CITY – Sugatan ang dalawang lalaki matapos na maaksidente sa bayan ng Magarao, Camarines Sur.
Kinilala ang mga biktima na sila Jeric Asalso at Joseph Caganda, kapwa residente ng Barangay Bulawan Sr., Lupi, Camarines Sur at mga manggagawa ng NIA sa Barangay Talidtid, Canaman sa nasabing lalawigan.
Ayon kay Police Executive Master Sergeant Emmanuel Borromeo, Municipal Executive Senior Police Officer ng Magarao Municipal Police Station, alas 3:32 umano ng madaling araw ng may nagreport sa kanilang hepatura ng isang concerned citizen na dumaan sa Barangay Santo Tomas ng nasabing bayan kung saan may nangyari ang aksidente.
Kaagad naman rumesponde ang kanilang mga tauhan upang imbestigahan na rin ang nasabing insidente.
Base sa kanilang imbestigasyon ang aksidente umano ay kinasasangkutan ng isang motorsiklo na minamaneho ni Asalso at backride nito si Caganda.
Lumabas rin sa kanilang imbestigasyon na galing ang mga ito sa isang bar sa Magarao at pabalik na sana sa Barangay Talidtid nang kanilang masagasaan ang isang barrier na may nakalagay na Do Not Cross na nagresulta sa nasabing insidente.
Ayon pa kay Borromeo, hindi naman madilim sa lugar ngunit sobrang lakas umano ng ulang ng mangyari ang ito.
Samantala, agad naman dinala sa ospital ang mga biktima para sa asistensya medikal.
Sa ngayon, paalala na lamang ng opisyal sa mga motorista na nasa impluwensya ng alak na huwag nang magmaneho at kung pwede ay sumakay na lamang sa ibang sasakyan kung o di naman kaya matulog na lamang upang makapagpahinga ng sa ganon ay makaiwas sa kahalintulad na insidente.