NAGA CITY- Sugatan ang dalawang magkapatid matapos pagbabarilin ng dalawa ring magkapatid sa Caramoan, Camarines Sur.

Kinilala ang mga biktima na sina Jordan Dela Cruz, 40-anyos at Rico Dela Cruz, 39-anyos, kapwa residente ng Sitio Pawikan Brgy. Gata sa nasabing bayan,

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PMaj. Engelbert Toraldo, hepe ng Caramoan MPS, sinabi nito na habang nag-iinuman ang mga biktima at ang mga suspek na sina Ronnie Alarcon, 52-anyos at Pablito Alarcon, 45-anyos, nang tila magkapikunan ang mga ito.

Kung kaya dito na bumunot ng baril si Ronnie at pinaputukan ang mga biktima rason para magtamo ito ng tama ng bala ng baril na agad namang dinala sa ospital para sa asistenisya medikal.

Ayon kay Toraldo, matagal na umanong may tensyon sa pagitan ng dalawang pamilya bago ang nasabing insidente.

Samantala, narekober naman sa pinangyarihan ng insidente ang apat na piraso ng fired cartridge ng caliber 45 na baril habang boluntaryo namang sinuko ang magkapatid na Alarcon an Cal. 45 na may laman na magazine at may laman na 20 live ammunition.

Nabatid pa man na ang nasabing baril na ginamit ng suspek ang hindi lisensyado.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang mga suspek para sa karampatang disposisyon.