NAGA CITY- Patay ang isang menor de edad matapos malunod sa Naga River sa Balatas, Naga City.

Kinilala ang namatay na si Adrian Sumanday, pitong taong gulang habang nasa ospital naman ang isang limang taong gulang.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Naga City Police Office (NCPO) nabatid na naglalaro ang dalawa sa gilid ng ilog ng aksidenteng madulas ito at diretsong nahulog sa nasabing tubig.

Agad namang nakarespinde ang mga residente at isinugog sa ospital ang mga bata ngunit hindi na umabot ng buhay ang 7-anyos.

Sa ngayon, patuloy namang inoobserbahan ang kalagayan ng 5-anyos na nananatili pa sa ospital.