NAGA CITY – Patay ang dalawang menor de edad matapos matupok ng apoy ang ilang mga kabahayan sa Brgy. Manggagawa, Sitio Looban, Guinayangan, Quezon.

Nabatid na ang mga biktima ay nasa edad 15 taong gulang at 4 na taong gulang na bata.

Sa pahayag ng Guinayangan Quezon, napag-alaman na nasa 38 mga kabahayan ang nasunog at ilang pamilya rin ang apektado ng nasabing insidente.

Ayon pa dito, hindi pa rin malaman ang kabuuang pinsala gayundin ang pinaka-pinagmulan ng naturang sunog.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa insidente.