NAGA CITY- Sugatan ang dalawang indibidwal matapos magkabanggan ang dalawang motorsiklo sa Maharlika Highway, Purok 1, Barangay San Isidro, Talisay, Camarines Norte.

Kinilala ang mga biktima na sina Niel Sanchez, 42-anyos at Arvin Rafer, 23-anyos.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Norte Police Provincial Office (CNPPO), nabatid na habang binabaybay ni Sanchez ang kahabaan ng nasabing kalsada papunta sa bayan ng Labo at habang paliko na ito nang aksidente nitong nabunggo ang likurang parte ng motorsiklo na minamaneho naman ni Rafer papunta sa parehong direksiyon.

Dahil dito, kapwa nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang katawan ang duwang driver na agad naman dinala sa ospital para sa atensiyong medikal.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng Talisay MPS an dalawang motorsiklo gayundin ang mga dokumento nito para sa kaukulang didposisyon.