NAGA CITY- Patay ang dalawang kasapi ng New People’s Army matapos ang nangyaring enkwentro sa pagitan ng tropa ng 83rd Infantry Batallion sa Barangay Bongalon, Sagñay, Camarines Sur.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa 9Infantry Division Philippine Army (9ID, PA), nabatid na tinatayang 20 mga miyembro ng NPA ang nakasugapa ng mga tropa ng pamahalaan sa nasabing lugar na tumagal naman ng halos 30 minuto ang palitan ng putok sa pagitan ng dalawang grupo.
Sa inisyal na imbestigasyon, nabatid na nag-iwan ng dalawang casualties sa panig ng mga rebeldeng grupo habang tumakas naman ang iba sa mga kasamahan nito.
Samantala, wala namang naitalang nasugatan sa panig ng tropa ng pamahalaan matapos ang engkwentro.
Kaugnay nito, narekober naman sa lugar ang 12 matataas na kalibre ng armas na binubuo ng walong M16, dalawang M14 at dalawang M653 rifles, ammunition, magazines asin iba pang personal na kagamitan.
Samantala, nakaalerto na rin ang Local Disaster Risk Reduction and Management Office ng Sañgay dahil sa insidente at pinayuhan na rin ang mga residente na iwasan ang pagsusuot ng mga military uniform o paraphernalia para maiwasan ang misindentification.
Sa ngayon, patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad gayundin ang pagtunton sa kinaroroonan ng mga nakatakas na kasapi ng NPA.