NAGA CITY- Sugatan ang dalawang pastor matapos masagi ng isang kotse ang sinasakyang motorsiklo sa Barangay Sta. Milagrosa Calauag, Quezon.
Kinilala ang mga nasugatan na sina Rogelio Mayo, 60-anyos at Fructosa Mayo, 60-anyos, residente ng Barangay Magsaysay Lopez sa nasabing bayan.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, nabatid na nag-overtake sa isa pang sasakyan ang nasabing kotse na minamaneho ni Jessie Desingaño, 51-anyos dahilan upang aksidente nitong masagi ang motorsiklo na minamaneho ni Rogelio.
Dahil dito, nagtamo ng mga sugat sa kaniyang katawan si Rogelio at back ride na si Fructosa na agad naman na dinala sa ospital.
Sa ngayon, patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.