NAGA CITY- Patay ang dalawang katao kasama na ang isang suspek habang isa naman ang sugatan sa insidente ng pamamaril sa Candelaria, Quezon.

Kinilala ang namatay na biktima na si Roel Villapando Macasaet, 52-anyos, residente habang an nasawi namang suspek na si Dennis De Castro Patulot, 36-anyos, at ang nasugatan naman na si Lucia Libang macasaet, 52-anyos.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, nabatis na bigla na lamang dumating si Patulot kasama ang isang John Doe sa bahay ng mga biktima at kinompronta ang mga ito.

Ngunit bigla na lamang nagkaroon ng mainit na pagtatalo sina Roel at Patulot na naging dahilan para kunin ng dalawa ang kanilang mga baril at dito na nagkapalitan ng putok.

Nabatid na kaagada namang binawian ng buhay sina Roel at Patulot habang sugatan naman si Lucia na kaagad namang dinala sa ospital habang nakatakas naman si Doe.

Samantala, narekober naman sa pinangyarihan ng insidente ang ilang piraso ng fired cartridge case ng hindi pa malaman na klase ng baril at isang cal. 38 revolver na baril.

Sa ngayon, patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad gayundin ang pagtunton sa posibleng pinagtataguan ng nakatakas na suspek.