NAGA CITY- Patay ang dalawang driver habang sugatan namang ang backrider matapos ang salpukan ng dalwang motorsiklo sa Barangay Caputatan, Caraoman, Camarines.

Kinilala ang mga nasugatan na sina Ursino Bermil, 58-anyos; Mark Aldrin Abaquita, 31-anyos, at ang sugatan na si Christine Iliw-iliw.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PMaj. Jim Jeremias, hepe ng Caramoan Municipal Police Station, sinabi nito na habang tinatahak ni Bermil, kasama ang kaniyang backride na si Iliw-Iliw, ang kalsada ng Barangay Caputatan nang aksidentng mawalan ito ng kontrol sa minamenhong motorsiklo na naging dahilan upang masakop nito ang kabilang linya bago tuluyang makasalpok sa isa pang motorsiklo na minamaneho naman ni Abaquita mula sa kabilang direksyon.

Dahil sa insidente, nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang katawan ang tatlong indibidwal na agad namang dinala sa ospital para sa asistensiya medikal.

Ngunit sa kasamaang palad, ideniklara nang dead on arrival ng mga doktor sina Bermil at Abaquita habang maswerte naman na nakaligtas ang backrider na si Iliw-Iliw.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa insidente.