NAGA CITY- Patay ang dalawang indibidwal matapos pagbabarilin sa Barangay Del Rosario, Tiaong, Quezon.

Kinilala ang mga biktima na sina Manuel Roxas, 51-anyos at Randy Roxas, 26-anyos, residentes ng Barangay Lucasan, sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, nabatid na habang lulan ng motorsiklo ang mga biktima nang bigla na lamang itong pagbabariling ng dalawang suspek na kinilalang sina Frederick Sadili at Allan Olivera.

Dahil dito, nagtamo ng mga sugat sa kanilang katawan ang mga biktima dahilan nang agaran nitong kamatayan.

Sa ngayon, patuloy pa ang hot pursuit operation ng mga awtoridad sa kinaroroonan ng suspek kaugnay ng nasabing krimen.