NAGA CITY – Patay ang dalawang indibidwal matapos pagbabarilin Lucena City.

Kinilala ang mga niktima na sina John Carlo Del Mundo Leoparte alyas “Carlo”, 35-anyos, residente ng 62 Abellanosa St. Brgy. 7, sa nasabing lungsod at Charisse Daen alyas Ivy, 25-anyos.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na natagpuan na lamang ng dalawang indibidwal ang katawan ng mga biktima sa tabi ng kalsada.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na makailang beses na pinagbabaril ang mga biktima ng hindi pa nakikilalang suspek gamit ang calibre .45 na baril.

Batay pa rin sa imbstigasyon, nagtamo ng ilang tama ng bala ng baril si Leoparte sa kaliwang dibdib nito dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Habang nagtamo naman ng tama ng bala ng baril si Daen sa ulo, genital area nito gayundin sa kaniyang kanang paa.

Agad naman sanang dinala sa ospital si Daen ngunit binawian rin ito ng buhay.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa naturang insidente lalo na ang pagtunton sa posibleng pagkakakilanlan at kinaroroonan ng suspek.