NAGA CITY- Patay ang dalawang persona matapos ang isinagawang drug buy bust operation na nagresulta sa armed confrontation sa Jose Panganiban, Camarines Norte.

Kinilala ang mga suspek na sinda Erwin Albis at Randy Furiscal.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Norte Police Provincial Office, napag-alaman na nakumpiska sa naturang operasyon ang isang caliber .45 pistol na may magazine, tatlong fired cartridge ng cal. 45 at ng 9mm.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, narekober pa dito ang isang motorsiklo at isang malaking sachet ng pinaniniwalaang shabu.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga otoridad.