NAGA CITY- Sugatan ang dalawang senior citizen matapos mahagip ng isang dump truck ang motorsiklo sa Catanauan, Quezon.
Kinilala ang mga nasugatan na sina Delfin Villanueva Aranda, 70-anyos at Teresita De Guzman Aranda, 69-anyos, residente ng Brgy. Tagbacan Ilaya sa nasabing bayan.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, nabatid na habang tinatahak ni Delfin gamit ang kaniyang motorsiklo lulan si Teresita, ang daan paputang Gen Luna, Quezon nang mag-overtake ang dump truck na minamaneho naman ni Dante Briones Arrogante, 62-anyos at mahagip ang motorsiklo nina Delfin.
Dahil sa insidente, nagtamo ng mga sugat sa ibat’-ibang bahagi ng kanilang katawan ang biktima na kaagad naman na dinala sa ospital.
Sa ngunyan, patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.