NAGA CITY- Sugatan ang dalawang katao matapos na pagtatgain sa Bombon, Camarines Sur.

Kinilala ang mga biktima na sina Henry Cansilao, 42-anyos, residente ng Zone 3, Brgy. San Antonio sa naturang lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, nabatid na nagpunta si Sonny sa bahay ng suspek na si Jose Tapel Jr., 58-anyos, para maghanap ng pulutan ngunit kinompronta ito ng suspek na nagresulta sa hindi pagkakaintindihan.

Dito na kumuha ng bolo si Tapel at tinaga si Sonny at sinubukan sana itong awatin ni Henry ngunit tinaga rin ito ng suspek dahilan upang kapwa ito magtamo ng sugat sa katawan.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek para sa karampatang disposisyon.