NAGA CITY- Kinumpirma ngayon ng PDEA CamSur na isang big time drug supplier ang dalawang suspek na nakunan ng P4.7 M na halaga ng shabu anti-illegal drug operations sa lungsod ng Iriga.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Naga kay Agent King Lucero, Provincial Officer ng PDEA Camarines Sur, kinilala ang mga ito na sila Ramil Baraguir Modin 43- anyos at si Guiamel Manamden Abdul Kadir 36-anyos na pawang mga residente ng Paranaque City.
Ayon kay Lucero, sangkot rin aniya ang mga suspek sa mga malalaking sindikato na nagdedeliver ng droga sa lungsod ng Iriga at sa buong Camarines Sur.
Dagdag pa ni Lucero, pinangalanan rin aniya ng mga suspek ang pagdadalahan sana ng mga ito ng nakumpiskang droga na sinasabing magiging sunod na target aniya nila sa susunod na operasyon.
Sa ngayon, nahaharap ang mga suspek sa paglabag sa kasong may koneksyon sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na walang rekomendadong piyansa.Top