NAGA CITY- ARESTADO ang dalawang pinaniniwalaang top-ranking na mga aktibista sa magkahiwalay na operasyon ng mga otoridad sa Bicol Region.
Ito’y matapos ang isinagawang magkahiwalay na search warrant ng Philippine National Police- PRO5 sa mg suspek na kinilalang si Anakbayan Naga Chairperson Maria Jesusa Sta. Rosa alyas Sasah Sta. Rosa at Danilo Banalnal Balucio alayas “Pastor Dan”, tagapagtaram kan Bayan Bicol.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Police Regional Office 5, napag-alaman na sa nasabing magkahiwalay na operasyon ay unang naaresto si Sta. Rosa sa Brgy Cararayan, Naga City.
Kung saan nabatid na narecover dito ang isang cal. 9mm pistol, isang magazine, walong piraso ng live ammunition, hand grenade, improvised IED, isang book cover page ng Batayang Kurso ng Partido, isang black shirt na may tatak na “Rebolusyon Hindi Eleksyon” at mga documentos.
Samantala, sa kabilang daku inaresto rin ang tagapagsalita ng Bayan Bicol, na kilala sa tawag na pastor Dan sa Brgy. San Isidro, Sto. Domingo, Albay, kung saan narecover naman dito ang isang caliber .45 pistol, magazine, live ammunition ,isang steel magazine para sa M14 rifle loaded ng 16 live ammunitions ng caliber 7.62; isang steel magazine ng M14 rifle loaded ng eight live ammunitions para sa caliber 7.62; fragmentation hand grenade, at isang pulang watawat na may tatak na “Bagong Hukbong Bayan”.
Kaugnay nito nahaharap sa patong-patong na kaso ang nasabing mga umanoy aktibista.
Sa ngayon nasa kustodiya na ng mga otoridad ang nasabing mga suspek para sa karampatang disposisyon.