NAGA CITY- Hati ngayon ang reakson ng mga residente ng Japan para sa 2020 Tokyo, Olympics.
Sa report ni Bombo International Correspondent Nonilyn Bravo mula sa Tokyo, Japan, sinabi nitong patuloy sa pag-ani ng iba’t ibang reaksyon ang mula sa mga mamamayan sa Japan ang pwedeng maging pinal na desisyon para sa naturang malaking aktibidad.
Aniya ang iba naniniwalang mas makabubuti kung tuluyan na lamang ikansela habang ang iba naman ay positibong dapat ituloy na lamang ng komite ang aktibidad.
Bagama’t pinagdedebatehan parinng ilang mga grupo ang nasabing aktibidad, tuloy-tuloy parin aniya ang ginagawang paghahanda ng bansa.
Ayon kay Bravo, ayon sa International Olympic Committe, nakaschedule parin ang torch relay na nakatakdang gawin sa Fukushima Prefecture sa March 26.
Sa kabila nito, patuloy aniya ang panawagan ng gobyerno sa Japan na mag-ingat lalo na at patuloy parin aniya sa paglobo ang kaso ng COVID-19 sa bansa.