NAGA CITY – Ideklara nang drug cleared ang 23 na barangay mula sa walong Munisipalidad ng Camarines Norte.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Norte Police Provincial Office, napag-alaman na ang nasabing deklarasyon ay isinagawa sa pamamagitan ng Online Deliberation and Declaration of Drug-Cleared Barangays, kahapon, Oktubre 26, 2021.

Kinabibilangan ng drug cleared na mga barangay ang Brgy. Lukbanan, Magsaysay, Mataque, San Antonio sa Capalonga; Brgy. Talusan, Calaburnay, Casalugan, Pinagbirayan Malaki sa Paracale; Brgy. San Francisco, Bakiad, Anahaw, Awitan sa Labo; Brgy. Parang, Plaridel, North Poblacion sa Jose Panganiban; Brgy. Guinacutan, Poblacion 1, Sto Domingo sa Vinzons; Brgy. San Pedro, Tabugon sa Sta Elena; Brgy. Manguisoc, San Roque sa Mercedes; at Brgy. Poblacion 2 sa Basud.

Kaugnay nito, pinapurian rin ni PCol. Julius Guadamor, Director ng CNPPO ang lahat ng pagpupursigi at sakripisyo ng mga kapulisan na nasa likod ng pag-aasikaso sa mga dokumento maging ang mga sangay ng gobyerno na naging dahilang upang mapagtagumpayan ang nasabing adhikain na pa unti-unting malinis ang lahat ng barangay laban sa iligal na droga.