NAGA CITY- Isasagawa ang unang aktibidad o ang 2nd Bicol Regional CTP/MAPEH/DRRM DBC/DLC and Majorettes Exhibition sa Naga City kaugnay ng selebrasyon ng Peñafrancia Fiesta ngayong araw, Setyembre 7, 2024.
Sa naging pagharam sa mga kagawad ng media ni Naga City Councilor Buddy Del Castillo, sinabi nito na isasagawa ang unang araw ng nasabing kompetisyon sa Plaza Quezon, kun saan, mayroong 76 participants.
Magsisimula naman ang aktibidad alas-7 ng umaga hanggang sa oras na matatapos ang kompetisyon, ngunit ayon kay Del Castillo, mas maagang matapos ay mas mabuti dahil mayroon pa umanong mga susunod na event kagaya na lamang ng Gown and Swimsuit Competition ng Miss Bicolandia 2024.
Samantala, sa darating naman na September 14, ay magkakaroon rin ng parada kung saan sasalihan ito ng mga nasa 104 na paaralan mula sa iba’t ibang probinsya at magin sa labas ng lungsod.
Aniya, kinausap na nito ang Regional Director ng DepEd na huwag lilimitahan ang mga paaralan na nais lumahok dito.
Kaugnay nito, isasara naman ang kalsada sa General Luna St, portion ng Elias Angeles St. P. Burgos St patungong Abella, ito ay upang malayang makapag-perform ang mga participants.
Maliban pa dito, nakipag-ugnayan na rin sila sa PSO at NCPO na magpapakalat ng mga tauhan upang pamahalaan ang trapiko at magbigay ng kaligtasan ng publiko.
Sa panig naman ng mga dadalo sakaling may mahimatay, naroon din ang mga tauhan ng CDRRMO kasama ang iba pang medical personnel.