NAGA CITY- Humina ang naitala na inflation rate para sa buwan ng Abril 2024 sa probinsya ng Camarines Sur.
Sa naging pagharap sa mga kagawad ng media ni Raul Aspe Jr., Officer in Charge ng PSA Camarines Sur, sinabi nito na aabot ang headline inflation sa Camarines Sur sa 3.5% inflation rate noong nakaraang buwan mas mababa ito kung ikukumpara noon buwan ng Marso na umabot naman sa 3.7%.
Kaugnay nito, ang average inflation rin simula Enero hanggang Abril ng kasalukuyang taon ay umabot sa 3.6%.
Ayon pa kay Aspe ang nag-ambag sa pagbaba ng naitala na headline inflation o ang mabilis na pagtaas sa presyo nang mga bilihin at serbisyo sa Camarines Sur ay ang paghina rin ng pagtaas sa presyuhan o bago ng food and non alcoholic beverages na nakapagtala ng 7.8% inflation. Mayroong shared percentage na pagbaba ng pangkabuuan na inflation na umabot sa 53.9%. Maliban pa dito, humina rin ang antas ng alcoholic beverages at tobacco na umabot sa 5.6% at mayroong shared na pagbaba ng inflation sa probinsiya na umabot sa 37.6%.
Dagdag pa ng opisyal, humina rin ang antas ng information and communication na umabot sa 8.7 inflation rate at mayroon shared percentage sa pagbaba ng inflation sa Camarines Sur na umabot naman sa 3.7%.
Sa ngayon ay nagpapatuloy umano ang pagmonitor ng Philippine Statistic Office sa nairerehistro na inflation rate sa probinsya upang magkaroon ng karampatang kaalaman ang publiko tungkol dito.