NAGA CITY- Arestado ang tatlong indibidwal dahil sa iligal na pagpuputol ng kahoy sa Calauag, Quezon.
Kinilala an mga suspek na sina Dennis Tañola, 46-anyos, Alvin Cañisares, 27-anyos, at Lester Itable, 26-anyos, kapwa residentes ng Barangay Anonangin, Gumaca, Quezon
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office (QPPO), napag-alaman na nagsagawa ng operasyon laban sa illegal logging ang DENR CENRO Calauag, kung saan nadakip sa akto ang mga suspek.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na nakumpiska sa mga suspek ang nasa 96 pidaso ng nilagaring lumber na nagkakahalaga ng P62,549.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang mga suspek para sa karampatang disposisyon.