NAGA CITY- Sugatan ang tatlong mga estudyante matapos ararohin ng isang e-trike sa harap ng Plaza Quezon, lungsod ng Naga.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Joy Tibus, Tindera ng palamigan sa lugar at isa pa sa mga biktima, sinabi nito na dahil sa hindi na nacontrol ng driver ang nasabing sasakyan kaya dumeretso ito sa mataong lugar at inararo ang mga tao.
Ayon dito, pinaniniwalaang habang pababa umano ang driver ng sasakyan ng bigla nitong nahawakan ang silinyador kung saan mabilis itong umabante sa mataong lugar.
Sinubukan pa umanong bawiin ng driver ang manibela nito ngunit hindi na nito nagawa.
Kung saan dahil sa bilis ng pangyayari, isa sa mga biktima rito ay isang College student ang lubos na nagtamo ng tama sa paa habang may dalawa
pang senior high school ang nadamay na kumakain.
Plano umanong mag reklamo ni Tibus, kontra sa driver ng nasabing sasakyan dahil isa sa lubos na naapektohan sa nasabing insidente ang kanyang negosyo.
Sa ngayon patuloy pang iniimbistigahan ng mga otoridad ang nasabing pangyayare.