NAGA CITY- Tinatayang nasa 55 plastic sachet ng pinaniniwalaang shabu ang nakumpiska ng mga otoridad sa isinagawang buy-bust operation sa Pasacao, Camarines Sur.

Kinilala ang mga suspect na sina Herwin Alabat, 40-anyos, ng Libmanan Camarines Sur, Edison Balingasa, 38-anyos, ng Pasacao Camarines Sur at si Rosalio Milanay, 37-anyos.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Pcapt. Maria Victoria Abalaing, hepe ng Pasacao PNP, sinabi nito na si Milanay lamang sana ang pakay ng mga otoridad ngunit naaktohan narin ng mga ito na nakikipag transaksyon sina Alabat at Balingasa.

Sa ngayon nasa kustodiya na ng mga otoridad ang nasabing mga suspect habang patuloy namang pinag hahanap si Jordan Dela Rosa na umanoy nakatakas habang isinasagawa ang nasabing operation.