NAGA CITY- Sugatan ang tatlo katao matapos makabangga ang isang motorsiklo na sinubukan takasan ang checkpoint operation ng mga otoridad sa Naga City.
Ang naturang checkpoint operation ang may kaugnayan ipinatupad na curfew sa naturang lungsod mula alas 9:00 ng gabi hanggang alas 5:00 ng umaga dahil sa ipinatupad na security mesures laban sa coronavirus disease.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga mula sa Naga City Police Office (NCPO), nabatid na pinatigil ng mga otoridad ang motorsiklo na minamaneho ni Rowel Beringuela, 31-anyos kasama ang mga backriders na sina Muriel Regala at Joseph Prila na pawang mga taga Bula, Camarines Sur.
Ngunit sa halip na tumigil, tinakasan ng mga ito ang mga pulis dahilan para magkaroon habvulan hanggang sa biglang bumangga ang naturang motorsiklo sa gate ng isang Shopping Center.
Kaugnay nito, nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang nasabing mga indibidwal na agad namang itinakbo sa ospital.
Nabatid na epektibo kagabi ang naturang curfew kung saan tanging ang mga law enforcement unit at medical team lamang ang exempted.