NAGA CITY- Sugatan ang tatlo katao matapos na pagsasaksakin Sa Viray Compound, Barangay Ayuti, Lucban Quezon.

Kinilala ang mga biktima na sina Maricel Esclanda, Raymundo Esclanda at Carmelo Seno mga residente ng nasabing lugar habang kinilala naman ang suspek na si Jierwin Guay.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PMsgt. Leo Come investigator on case ng Lucban PNP, sinabi nitong habang nag-iinuman ang tatlong biktima ng biglang dumating suspek at pinagsasaksak ang mga ito.

Kaugnay nito, agad namang isinugod sa ospital ang mga biktima na nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan.

Samantala, ayon kay Come napag-alaman na nagkaroon ng hindi pagkaka-unawaan si Raymundo Esclanda at ang suspek bago ang nangyaring krimen na nagresulta sa nasabing insidente.

Sa ngayon, patuloy naman ang follow up operations ng mga otoridad para matunton ng tumakas na suspek.