NAGA CITY- Kumpiskado ang mahigit sa P114-K na halaga ng ilegal na droga sa isinagawang buy-bust operation laban sa tatalong suspek sa Lucena City.

Kinilala ang mga suspek na sina Santiago Robles, 71-anyos; Roderick Tan, 45-anyos at Regie Causapin, 31-anyos, residente ng naturang lungsod.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, nabatid na nakabili ang umaktong posuer buyer ng isang sachet ng hinihinalang shabu mula sa suspek.

Maliban sa buy bust item, narekober pa sa mga suspek ang 10 sachet ng pinagbabawal ng gamot na nasa 5.60 grams ang bigat at nagkakahalaga naman ng P114,240.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang mga suspek para sa karampatang disposisyon.