NAGA CITY- Arestado ang tatlong lalaki sa Buy-Bust Operation ng mga awtoridad sa Gumaca, Quezon.

Kinilala ang mga suspek na sina Allan, 51; Alyas ​​Jayzon, 28, parehong High Value Individual; at Alyas Geruel, 48-anyos pawang residente ng Brgy. Bota Gumaca sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga mula sa Quezon Police Provincial Office, nabatid na bumili ang poseur buyer ng isang heat-sealed transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu gamit ang P1,000 bilang buy bust money sa suspek.

Sa operasyon, nakumpiska rin sa mga suspek ang anim na piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet ng hinihinalang droga na may timbang na 42.44 gramo.

Sa kabuuan, humigit-kumulang P865,776 ang halaga ng mga nasamsam.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ngayon ng mga awtoridad ang mga suspek para sa kaukulang disposisyon.