NAGA CITY- Narescue ng 2nd Infantry Division, Philippine Army ang tatlong menor de edad sa kamay ng mga pinaniniwalaang rebelde grupo sa Quezon Province.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Capt. Jayrald Ternio, Chief ng Division Public Affairs Office ng 2nd ID, kasama ang tatlong menor de edad sa 26 na sumuko mula sa pinaniniwalaang communist group.
Dagdag pa nito, base aniya sa pahayag ng isa sa mga surenderer, sapilitan silang pinasama at tinakot kung kakalas sa nasabing grupo.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga otoridad ang mga sumukong rebelde para sa custodial debriefing, profiling at iba pang proseso.
Samantala, nanawagan naman si Ternio sa mga makakaliwang grupo na magbalik loob na sa gobyerno dahil hindi pa naman aniya huli ang lahat at marami pang programa ang gobyerno na naghihintay para sa kanila.