NAGA CITY- Patay ang tatlong miyembro ng umano’y Communist Terrorist Group (CTG) sa nangyaring engkwentro sa pagitan nang tropa ng pamahalaan at nasabing grupo sa San Francisco, Quezon.

Kinilala ang mga binawian ng buhay na isang Joseph Delos Santos at dalawa pa habang ang iba naman ang tumakas papunta sa bulubunduking bahagi ng lugar.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang nagsasagawa ng pursuit operations ang mga sundalo laban sa mga CTG elements kaugnay nang naunang engkwentro ng makasagupa ng mga ito ang tinatayang nasa 15 miyembro ng mga rebeldeng grupo.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, nabatid na sa nasabing sagupaan, binawian ng buhay ang tatlong miyembro ng rebeldeng grupo.

Samantala, nakuha naman sa pinangyarihan ng engkwentro ang tatlong AK-47 rifles at bandolier.

Sa ngayon, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad lalo na ang hot pursuit operation laban sa mga tumakas na Communist Terrorist Group members.