NAGA CITY- Pumalo na sa 42 ang kumpirmadong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa Bicol Region.
Batay sa ulat ng Department of Health (DOH-Bicol), tatlong panibagong kaso ang naitala sa Bicol kung saan isa dito ang 11-month old na sanggol mula sa lungsod ng Ligao at dalawang healthworkers na mula sa parehong lalawigan.
Sa ngayon, ang kabuuang bilang ng mga frontliners na nagpositibo sa sakit ay pumalo na sa 12.
Nasa 46 na samples naman ang napasailalim sa testing kahapon, 43 ang nag-negatibo habang tatlo ang nag-positibo dito.
Ang mga suspected case naman sa rehiyon ay nasa 13 habang tuluyan nang nag-negatibo ang nasa kabuuang bilang na 258.
Kaugnay nito, muling nagpaalala ang mga otoridad na umiwas at sumunod sa protocols kontra COVID-19.